Kabisaan ng pagpapalit-koda sa pagpapataas ng kumpiyansa sa sarili sa komunikatibong berbal ng mga mag-aaral sa Olivarez College/ Alessandra G. Villafuerte, Rechelle R. Alejandro, Jenilyn O. Fallera, & Remalyn C. Gillego. -- ParanÌaque City: Olivarez College, 2024.
Undergraduate thesis.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na malaman ang kabisaan ng pagpapalit-koda sa pagpapatas ng kumpiyansa sa sarili sa komunikatibong berbal ng mga mag-aaral sa olivarez college, na kung saan maraming mga kabataan ang gumagamit ng pagpapalit-koda sa tuwing sila ay nagpapahayag ng kanilang mga saloobin. Maraming mga bata ang hindi na lamang nila ipinapahayag ang kanilang mga saloobin sapagkat hindi nila alam kung paano nila ipapahayag ang kanilang mga gusto sabihin sa tuwing sila ay nasagot sa kanilang guro. Dito rin nakapalaoob ang teorya ni dell hymes na (speaking): Participant, Setting, Norms, na may kaugnay sa pag-aaral na ito. Sa pamamagitan nito ay makikita kung paano ito nakakatulong sa bawat mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay nagturo sa paunang turo na kung saan hindi maari gumamit ng pagpapalit-koda ang mga mag-aaral sa tuwing sila ay sasagot upang makita kung mahihirapan ba ang mga mag-aaral sa pagpapahayag ng kanilang saloobin sa tuwing hindi sila gagamit ng pagpapalit-koda. At nagturo rin ang mga mananaliksik sa pinal na turo na kung saan ang mga mag-aaral ay papayagan na gumamit ng pagpapalit-koda sa klase sa pagpapahayag ng kanilang saloobin. Gumamit din ang mga mananaliksik ng talatanungan upang mas mapadali malaman ang kabisaan ng pagpapalit-koda sa tuwing kanila itong ginagamit. Ang mga respondente ay tatlong (3) seksyon sa loob ng Integrated Basic Education Department (DPRO) sa dalubhasaang Olivarez, na may kabuuan na limangpu (50) na respondente mula sa ibat-ibang seksyon sa Senior High School. Makikita sa resulta ng pananaliksik na mas naipapahayag nila ang kanilang saloobin kapag sila ay gumagamit ng pagpapalit-koda at mas nagkakaroon sila ng kumpiyansa sa sarili tuwing sila ay nagpapalit-koda. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay-diin sa Pagpapataas ng Kumpiyansa sa Sarili ng mga mag-aaral. Ang pagkaroon ng kalayaan na gamitin ang wika na komportable ang mga mag-aaral nagbibigay ng mas epektibong pakikipagkomunikasyon na mahalaga sa kanilang pang-akademikong tagumpay at personal.
Pagpapalit-koda. Kumpiyansa sa sarili. Komunikasyong Berbal. Paunang turo. Pinal na turo. Performance.