Cabangangan, Marife P.

Intelektwalisasyon ng wikang akademiko: kasalukuyang tunguhin ng Filipino bilang asignatura sa kolehiyo sa binagong kurikulum 2018/ Marife P. Cabangangan, Jennylyn D. Mijares, Mark Lester S. Salut. -- ParaƱaque City: Olivarez College, 2018

Undergraduate Thesis

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang pagbibigay linaw sa katuturan ng Filipino bilang asignatura ayon sa mga batas tagubilin at upang magbigay ng impormasyon sa mga isyu ng pagtatangkang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Binigyang pansin din sa pananaliksik ang magiging kahihinatnan ng asignaturang Filipino sa binagong kurikulum at ang mga naging katwiran at ganting katwiran ng dalawang panig (CHED) at (KWF). Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamamaraan na pangangalap ng mga panayam sa internet updang makakuha at makapagtala ng mga impormasyong sasagot at magbibigay linaw sa isyung pinag-uusapan. Pumili ang mga mananaliksik ng mga panayam sa dalubhasa at mga taong higit na may kaalaman sa isyu upang magkaroon ng sapat at tamang impormasyong kinakailangan sa pananaliksik na ito.

T 370 2018 0046