000 03525nam a22003137a 4500
001 16664
003 OCLRC
005 20260731013041.0
008 250814t xxu||||| |||| 00| 0 eng d
040 _aOCLRC
082 _aT 370 2023 0078
100 _aFlores, Josephine M.
245 _aDanas ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral sa elementarya ng ingles ang unang wika/
_cJosephine M. Flores, Alyssa G. Arguelles, Alyssa E. Bernal, Joana Ma. Victoria C. Calderon, & Reynalyn J. Espana.
260 _aParañaque City:
_bOlivarez College,
_c2023.
502 _aUndergraduate thesis.
520 _aAng pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang danas ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag- aaral sa elementarya na Ingles ang unang wika, na kung saan kahanga- hanga nilang nagagawan ng paraan ang mga pagsubok sa araw-araw tuwing sila ay haharap sa kanilang mga mag-aaral na hirap makaunawa at makaintindi ang wikang Filipino at ang asignatura nito. Iba{92}t- ibang estratehiya ang ginagamit ng mga guro sa pagkatuto at paglinang ng kaalaman ng mga mag aaral sa Filipino tulad ng sining biswal (PPT) na may mga larawan at bidyo, flashcards, libro, bokabularyo, mga talasalitaan, at iba pa. Mga estilo, moda at taktika na madaling mapukaw ang atensyon at interes ng mga mag- aaral. Malalaman din ang mga salik sa pagkatuto ng mga mag- aaral kung bakit nahihirapan silang makasunod sa paksang tinatalakay ng mga guro sa Filipino, kahit makikita mo sa kanila ang kagustuhang matuto rito. Mga katuturan ng katawagan na nakapagbibigay- linaw sa mga mambabasa at mapadali ang pag unawa sa mga salitang ginagamit sa pananaliksik. Ito ay gumagamit ng pakikinayam one-on-one interview sa mga guro na nagkakaroon sa mga mananaliksik ng sapat na oportunidad na matuklasan ang kani-kanilang pinagdaanan sa kung papaano sila mangasiwa sa loob ng kanilang klase. Dito rin nakapaloob ang mga makrong kasanayan; Pakikinig, Pagsasalita, Pagbabasa, Pagsusulat, at Panunuod, na may kaugnayan sa pag- aaral na ito. Sa pamamagitan nito ay makikita kung saan magaling at mahusay ang bawat mag-aaral. Ang mga respondent ay (3) tatlong guro sa loob ng Integrated Basic Education Department (IBED) sa Dalubhasang Olivarez, apat (4) na guro naman sa St. Paul College Paranaque at Tatlong (3) guro sa St. Cyr Academy Paranaquena may kabuuan na sampung (10) respondent mula sa iba{92}t- ibang baitang sa elementary. Makikita sa resulta ng pananaliksik na hindi naging madali ang maging guro sa Filipino pero kung mayroong pasyon at pagmamahal sa propesyon, hindi ito magiging hadlang para ibigay ang nararapat na kaalaman sa mga mag-aaral. Ang pagiging malikhain, mahabang pasensya ng mga guro, paggamit ng mga tradisyunal na pamamaraan ang katulong sa pagpapaunawa nito. Ang pag-aaral ay nagbibigay -diin sa kahalagahan ng wikang Filipino hindi lamang sa larangan ng akademika kundi pati na rin sa kanilang pangsosyal na buhay. Sa kabuuhan, ipinapakita ng pagsusuri na ang pagpapahalaga at paghubog ng kasanayan sa Filipino ay may malaking bahagi sa pag unlad ng komunikasyon at pakikipag- ugnayan ng mga mag aaral.
650 _aDanas.
650 _awikang Filipino.
650 _aWikang Ingles.
650 _aMakrong kasanayan.
650 _aGuro.
650 _aAsignaturang Filipino.
650 _aEstratehiya.
700 _aArguelles, Alyssa G.
700 _aBernal, Alyssa E.
700 _aCalderon, Joana Ma. Victoria C.
700 _aEspaña, Reynalyn J.
942 _cTHES
_jT 370 2023 0078
999 _c16664
_d16664