Estilo sa pagkatuto at estratehiya sa pagtuturo ng Noli Me Tangere: implikasyon, suliranin at angkop na mungkahing modelo./
Material type:
TextPublication details: Parañaque City; Olivarez College, 2016.DDC classification: - T 370 2016 0043
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses/Dissertation
|
General Reference And Serial Section | Olivarez College Learning Resource Center | T 370 2016 0043 (Browse shelf(Opens below)) | Available |
Browsing Olivarez College Learning Resource Center shelves Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis
Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang estilo sa pagkatuto at estratehiya sa pagtuturo ng Noli Me Tangere. Gayundin, sa katapusan nito na matapos ang kanilang estilo sa pagkatuto gamit ang isang nabalidang sarbey kwestyuner hinggil ditto ay isa-isang inilahad ang mga implikasyon, suliranin at angkop na mungkahing modelo na magagamit ng mga guro. Buod Paglalahad ng Suliranin Nilalayon ng pag-aaral na ito na mabatid kaugnay na katanungan. ang mga sumusunod na 1. Ano ang karaniwang estilo sa pagkatuto ng mag-aaral batay sa kanilang kawilihan? 2. Ano ang kadalasang estratehiya na ginagamit sa pagtuturo ng Noli Me Tangere sa Paranaque National Highschool? 3 May kaugnayan ba ang estilo ng mag-aaral sa pagkatuto at sa pagtuturo ng Noli Me Tangere? 4. Ano ang implikasyong dulot ng mga estratehiya sa pagkatuto ng Noli Me Tangere sa mag-aaral? 5. May pagkakaiba ba ang pananaw ng guro sa implikasyon ng pagtuturo sa pagkatuto ng Noli Me Tangere? 6. Anu-anong mga suliraning kaakibat sa paggamit ng mga estratehiyang nabanggit sa pagtuturo ng Noli Me Tangere? 7. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, anong kaugnay na modelo sa pagtuturo ng Noli Me Tangere ang maaaring imungkahi? KONKLUSYON 1. Ang tatlong pinakamataas na estilo sa pagkatuto ng mag-aaral batay sa kanilang kawilihan ay Una,magtanong ukol sa mga pangyayari sa nobela na naghahatid ng kabuluhan (taktil), Pangalawa ay masusuing naaanalisa ang bawat pahayag ng mga tauhan sa nobela (analitik), Pangatlo ay makipagbahaginan ng ideya sa isang pangkatang gawain (kolaborativ). 2. Ang tatlong pinakamataas na estratehiya na ginagamit sa pagtuturo ng Noli Me Tangere sa Parañaque National High School ayon sa guro ay Una, pangkatang gawain at talakayan (group discussion), Pangalawa ay pananaliksik (research), Pangatlo ay pagsusuri ng dayalogo (dialogue analysis). 3. Walang pagkakaugnay ang estilo ng mag-aaral sa pagkatuto at estratehiya sa pagtuturo ng Noli Me Tangere. 4. Ang tatlong pinakamataas na implikasyong dulot ng mga estratehiya sa pagkatuto ng Noli Me Tangere sa mag-aaral ay Una, napahahalagahan nila ang Noli Me Tangere bilang akda at ang taglay nitong kaangkinan, kagandahan at kasiningan ng pagkalikha, Pangalawa ay maging bukas ang kanilang isip at nagging matatag sa mga hamon sa buhay na kanilang kinahaharap, Pangatlo ay lubos nilang naibantayog ang kanilang pagkapilipino, ang wika, kultura at sistemang kinagisnan. 5. Walang pagkakatulad ang pananaw ng guro sa implikasyon ng pagtuturo sa implikasyon ng pagtuturo sa pagkatuto ng Noli Me Tangere. 6. Ang mga suliraning kaakibat sa paggamit ng mga estratehiyang nabanggit sa pagtuturo ng Noli Me Tangere ayon sa Guro ay di sapat na kagamitang panturo, kakulangan ng oras sa pagtatalakay ng bawat kabanata, kawalan ng aktibong pakikilahok sa mga inihandang gawain sa klase, kakulangan sa paghahanda ng gawaing pangklase at hindi ganap na pagkaunawa sa mga ginagamit na talasalitaan mula sa sangguniang aklat. Mag-aaral-kakulangan mga oras sa pagtatalakay ng bawat kabanata, kawalan ng aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa inihandang gawain sa klase, hindi ganap na pagkaubnawa sa mga ginagamit na talasalitaan mula sa sangguniang aklat. Ayon naman sa mag-aaral ay kakulangan sa oras sa pagtatalakay ng bawat kabanata, kawalan ng aktibong pakikilahok ng mga mag- aaral sa inihandang gawain sa klase, hindi ganap na pagkaunawa sa mga ginagamit na talasalitaan mula sa sangguniang aklat.
There are no comments on this title.